Tagalog LTO Exam Reviewer Para Makapasa sa Iyong Driving Test

Kung gusto mo makakuha ng lisensya para ikaw ay makapagmaneho, kailangan mong maipasa ang LTO driving test. Ang LTO driving test ay binubuo ng actual na driving test at isang written na driving test. Upang makapasa at makakuha ka ng lisensya, kailangan mong maipasa ang parehong pagsusulit.  

Madali na Bahagi

Ang aktual na driving test ay talaga namang nakakakaba pero ang totoo ay ito ang madaling bahagi ng pagsusulit. Kahit ang Hepe ng Practical Testing Department ng LTO na si Engr. Juan Ordoño ay aminado dito. Sa katunayan, ang actual na driving test ay tumatagal lamang ng limang minuto.    

Mahirap na Bahagi

Ang mahirap na bahagi ay ang pagintindi sa mga batas trapiko at tamang asal ng pagmamaneho. Ang mga ito ay bahagi ng written test at ang pagunawa dito bago ang aktual na pagmamaneho ay makakatulong para mapadali ang iyong pagensayo dahil madali mong makikilala ang iba’t ibang simbulo at senyas sa kalsada.    

Paghahanda sa Written Test

Sa artikulong ito, mauunawaan mo ang iba’t-ibang batas trapiko at magiging pamilyar ka sa mga sari-saring simbulo ng trapik sa Pilipinas sa pamamagitan ng PinoyDriver.com.   Ang LTO ay nagbibigay ng opsyon para kuhanin ang exam sa Ingles o Tagalog at sa kabutihang-palad, ang Pinoy Driver ay mayroon ng pareho bersyon: English LTO reviewer at Tagalog LTO reviewer.   At para mapadali ang paggamit, hinati nila ang reviewer sa pitong kategorya:  

  • Emergencies (Kagipitan) - Ano ang kailangan gawin kung may kagipitan o sakunang mangyari habang nagmamaneho gaya ng aksidente.
  • Pangkalahatang Kaalaman (General Knowledge) - Mga kaalaman sa pagmamaneho siyang dapat na alam ng lahat ng motorista.
  • Pagmamaniobra at Pagmamaneho (Handling and Driving) - Mga karunungan sa pagmamaneho sa pinakamainam ng paraan.
  • Pagparada (Parking) - Mga panuntunan at restriksyon sa pagparada ng sasakyan.
  • Posisyon sa Kalsada (Road Position) - Saan dapat iposisyon ang sasakyan sa kalsada.
  • Mga Palatandaan at Marka (Signs and Markings) - Mga palantandaan at marka sa kalsada.
  • Paglabag at mga Parusa (Violations and Penalties) - Ano ang mangyayari kapag nilabag mo ang batas trapiko.

    Upang makita mo kung anong klase ang mga tanong, isinama namin ang ilan sa mga katanungan sa iba’t ibang kategorya ng LTO written exam.  

Kategorya: Kagipitan (Emergencies)

Ano ang mangyayari kapag pumutok ang iyong gulong sa likod?  

  1. Gegewang ang likod sa panig ng pumutok na gulong
  2. Gegewang ang likod sa palayo sa pumutok na gulong
  3. Ang harapan ay hahatakin papunta sa panig ng pumutok na gulong
  4. Ang harapan ay hahatakin sa kabilang panig ng pumutok na gulong

  Correct Answer: B Tagalog LTO Exam reviewer question 1    

Kategorya: Pangkalahatang Kaalaman (General Knowledge)

Ang isang may lisensya ay maaaring magmaneho nang:  

  1. kahit anong uri ng sasakyan
  2. sasakyang nakasaad sa lisensya
  3. pampasaherong sasakyan lamang

  Correct Answer: B  Tagalog LTO Exam Reviewer Question 2

Kategorya: Pagmamaniobra at Pagmamaneho (Handling and Driving)

Anong pamamaraan ang maaring gawin kung nais mong magpaandar sa paakyat at matarik na kalsada para hindi umatras ang iyong sasakyan?  

  1. headlight technique
  2. jumpstart technique
  3. handbrake technique
  4. gas pedal technique

  Correct Answer: C  Tagalog LTO Exam Reviewer Question 3    

Kategorya: Parking (Pagparada)

Ano ang dapat gawin kapag nagpaparada sa paakyat na kalsada at mayroong bangketa?

  1. Ipihit ang mga gulong sa harap sa bangekta
  2. ihit ang mga gulong sa harap palayo sa bangekta
  3. Ihilera ang mga gulong sa bangketa

  Correct Answer: B Tagalog LTO Exam Reviewer Question 4

Kategorya: Posisyon sa Kalsada (Road Position)

Maaari kang lumipat ng lane kung ikaw ay:  

  1. nakapagbigay na ng tamang senyas at nasuri ang trapiko
  2. nakapagbigay na ng senyas
  3. nakapagsuri ng trapiko

  Correct Answer: A Tagalog LTO Exam Reviewer Question 5  

Kategorya: Mga Palatandaan at Marka (Signs and Markings)

Alin sa mga sumusunod ang nakalarawan? Tagalog LTO Exam Reviewer Road Sign

  1. Katapusan ng kalsada
  2. Krus na daan
  3. Liliko ang kalsada pakaliwa o pakanan

  Correct Answer: C  Tagalog LTO Exam Reviewer Question 6

Kategorya: Paglabag at mga Parusa (Violations and Penalties)

Ano ang paglabag mo kapag ikaw ay nagsakay ng pasahero kung saan ito ay ipinagbabawal?  

  1. Kawalan ng magandang asal
  2. Reckless driving
  3. Obstruction sa daloy ng trapiko

  Correct Answer: C  Tagalog LTO Exam Reviewer Question 7   Ang kagandahan sa Pinoy Driver ay mayroon silang seksyong ng paliwanag sa lahat ng mga katanungan at makikita ito kung tama o mali man iyong sagot. Ito ay nakakatulong para mas maintindihan ng maigi ang mga sagot sa mga katanungan. Tagalog LTO Exam Reviewer

Bagama’t walang pagbabago nitong nakaraang taon sa pamamalakad ng LTO sa kanilang pagbibigay ng Driving Test, mayroong kaukulang pagpapalit sa patakaran ng pagkuha ng lisensya. Simula 2020, kailangang munang dumaan sa 15-oras na seminar ang sinumang kukuha ng student permit, at ito rin ay may kaukulang exam na ibibigay ng LTO.

Kung ang isang may hawak ng student permit ay maga-apply ng non-professional driver’s license, sya ay kailangang dumaan sa isang mandatory eight-hour practical review o aktwal na pagmamaneho ng sasakyan, at may kaukulang ding written exam na kailangang ipasa.

Ang lahat naman ng magre-renew ng driver’s license ay kailangang dumaan sa isang 8-oras na seminar.

Mula umpisa ng 2020, ang driver’s license ay mayroon nang validity na 10 taon.

Sana ito ay nakatulong para makapasa ka sa LTO driving test at makakuha ka ng iyong lisensya. Good luck o swertehin ka sana!  

Updated by Wilbert Tan on July 2, 2020

Also read:

LTO Student Permit Requirements Philippines 2018  

Everything you need to know about the LTO Driving Test (and how to pass it)

Read All

Featured Articles

Recommended Articles For You

Read All

Featured Cars

  • Upcoming

Car Articles From Zigwheels

  • News
  • Article Feature
  • Advisory Stories
  • Road Test
  • Nissan PH keeps Navara pricing for Jul. amid CMEPA implementation
    Nissan PH keeps Navara pricing for Jul. amid CMEPA implementation
    Ruben Manahan IV . Today
  • First-ever ‘BYD Grab Day Caravan’ puts spotlight on Seal 5 DM-i
    First-ever ‘BYD Grab Day Caravan’ puts spotlight on Seal 5 DM-i
    Ruben Manahan IV . Jul 11, 2025
  • Inchcape PH releases Mercedes-Benz V-Class Elegance
    Inchcape PH releases Mercedes-Benz V-Class Elegance
    Ruben Manahan IV . Jul 11, 2025
  • Latest ‘Kia Movement’ leg set this weekend
    Latest ‘Kia Movement’ leg set this weekend
    Ruben Manahan IV . Jul 10, 2025
  • Bentley unveils all-electric EXP 15 concept car
    Bentley unveils all-electric EXP 15 concept car
    Cesar Miguel . Jul 10, 2025
  • Nissan Livina vs. the competition
    Nissan Livina vs. the competition
    Cesar Miguel . Jul 11, 2025
  • Exploring the Jetour T2’s interior
    Exploring the Jetour T2’s interior
    Cesar Miguel . Jul 10, 2025
  • Suzuki XL7 Hybrid vs Toyota RAV4 vs BYD Tang: tough-looking NEV options
    Suzuki XL7 Hybrid vs Toyota RAV4 vs BYD Tang: tough-looking NEV options
    Paulo Papa . Jul 09, 2025
  • Explaining the different types of hybrid powertrains
    Explaining the different types of hybrid powertrains
    Cesar Miguel . Jul 07, 2025
  • Check out these basic overlanding items for when you want to enjoy the outdoors
    Check out these basic overlanding items for when you want to enjoy the outdoors
    Paulo Papa . Jul 04, 2025
  • Do you still need to wash your car after it rains?
    Do you still need to wash your car after it rains?
    Cesar Miguel . Jun 12, 2025
  • What should you visit first at MIAS 2025?
    What should you visit first at MIAS 2025?
    Cesar Miguel . Apr 11, 2025
  • Do you really need 4x4 for overlanding?
    Do you really need 4x4 for overlanding?
    Cesar Miguel . Mar 26, 2025
  • Number coding 2025: what you need to know
    Number coding 2025: what you need to know
    Paulo Papa . Mar 09, 2025
  • EVs still require lubrication, JAMA execs say
    EVs still require lubrication, JAMA execs say
    Paulo Papa . Mar 09, 2025
  • Honda BR-V S CVT: all about that ‘base’
    Honda BR-V S CVT: all about that ‘base’
    Paulo Papa . Jul 09, 2025
  • Dongfeng Rich 7 4X4 Upper: ideal entry-level truck
    Dongfeng Rich 7 4X4 Upper: ideal entry-level truck
    Paulo Papa . Jul 07, 2025
  • First drive: MG ZS Hybrid+
    First drive: MG ZS Hybrid+
    Cesar Miguel . Jun 30, 2025
  • BYD eMAX 7 Superior Captain: MPV for modern families
    BYD eMAX 7 Superior Captain: MPV for modern families
    Paulo Papa . Jun 18, 2025
  • Suzuki Ertiga Hybrid: modest mover
    Suzuki Ertiga Hybrid: modest mover
    Paulo Papa . Jun 05, 2025