Tagalog LTO Exam Reviewer Para Makapasa sa Iyong Driving Test
- Madali na Bahagi
- Mahirap na Bahagi
- Paghahanda sa Written Test
- Kategorya: Kagipitan (Emergencies)
- Kategorya: Pangkalahatang Kaalaman (General Knowledge)
- Kategorya: Pagmamaniobra at Pagmamaneho (Handling and Driving)
- Kategorya: Parking (Pagparada)
- Kategorya: Posisyon sa Kalsada (Road Position)
- Kategorya: Mga Palatandaan at Marka (Signs and Markings)
- Kategorya: Paglabag at mga Parusa (Violations and Penalties)
- Also read:
Kung gusto mo makakuha ng lisensya para ikaw ay makapagmaneho, kailangan mong maipasa ang LTO driving test. Ang LTO driving test ay binubuo ng actual na driving test at isang written na driving test. Upang makapasa at makakuha ka ng lisensya, kailangan mong maipasa ang parehong pagsusulit.
Madali na Bahagi
Ang aktual na driving test ay talaga namang nakakakaba pero ang totoo ay ito ang madaling bahagi ng pagsusulit. Kahit ang Hepe ng Practical Testing Department ng LTO na si Engr. Juan Ordoño ay aminado dito. Sa katunayan, ang actual na driving test ay tumatagal lamang ng limang minuto.
Mahirap na Bahagi
Ang mahirap na bahagi ay ang pagintindi sa mga batas trapiko at tamang asal ng pagmamaneho. Ang mga ito ay bahagi ng written test at ang pagunawa dito bago ang aktual na pagmamaneho ay makakatulong para mapadali ang iyong pagensayo dahil madali mong makikilala ang iba’t ibang simbulo at senyas sa kalsada.
Paghahanda sa Written Test
Sa artikulong ito, mauunawaan mo ang iba’t-ibang batas trapiko at magiging pamilyar ka sa mga sari-saring simbulo ng trapik sa Pilipinas sa pamamagitan ng PinoyDriver.com. Ang LTO ay nagbibigay ng opsyon para kuhanin ang exam sa Ingles o Tagalog at sa kabutihang-palad, ang Pinoy Driver ay mayroon ng pareho bersyon: English LTO reviewer at Tagalog LTO reviewer. At para mapadali ang paggamit, hinati nila ang reviewer sa pitong kategorya:
- Emergencies (Kagipitan) - Ano ang kailangan gawin kung may kagipitan o sakunang mangyari habang nagmamaneho gaya ng aksidente.
- Pangkalahatang Kaalaman (General Knowledge) - Mga kaalaman sa pagmamaneho siyang dapat na alam ng lahat ng motorista.
- Pagmamaniobra at Pagmamaneho (Handling and Driving) - Mga karunungan sa pagmamaneho sa pinakamainam ng paraan.
- Pagparada (Parking) - Mga panuntunan at restriksyon sa pagparada ng sasakyan.
- Posisyon sa Kalsada (Road Position) - Saan dapat iposisyon ang sasakyan sa kalsada.
- Mga Palatandaan at Marka (Signs and Markings) - Mga palantandaan at marka sa kalsada.
- Paglabag at mga Parusa (Violations and Penalties) - Ano ang mangyayari kapag nilabag mo ang batas trapiko.
Upang makita mo kung anong klase ang mga tanong, isinama namin ang ilan sa mga katanungan sa iba’t ibang kategorya ng LTO written exam.
Kategorya: Kagipitan (Emergencies)
Ano ang mangyayari kapag pumutok ang iyong gulong sa likod?
- Gegewang ang likod sa panig ng pumutok na gulong
- Gegewang ang likod sa palayo sa pumutok na gulong
- Ang harapan ay hahatakin papunta sa panig ng pumutok na gulong
- Ang harapan ay hahatakin sa kabilang panig ng pumutok na gulong
Correct Answer: B
Kategorya: Pangkalahatang Kaalaman (General Knowledge)
Ang isang may lisensya ay maaaring magmaneho nang:
- kahit anong uri ng sasakyan
- sasakyang nakasaad sa lisensya
- pampasaherong sasakyan lamang
Correct Answer: B
Kategorya: Pagmamaniobra at Pagmamaneho (Handling and Driving)
Anong pamamaraan ang maaring gawin kung nais mong magpaandar sa paakyat at matarik na kalsada para hindi umatras ang iyong sasakyan?
- headlight technique
- jumpstart technique
- handbrake technique
- gas pedal technique
Correct Answer: C
Kategorya: Parking (Pagparada)
Ano ang dapat gawin kapag nagpaparada sa paakyat na kalsada at mayroong bangketa?
- Ipihit ang mga gulong sa harap sa bangekta
- ihit ang mga gulong sa harap palayo sa bangekta
- Ihilera ang mga gulong sa bangketa
Correct Answer: B
Kategorya: Posisyon sa Kalsada (Road Position)
Maaari kang lumipat ng lane kung ikaw ay:
- nakapagbigay na ng tamang senyas at nasuri ang trapiko
- nakapagbigay na ng senyas
- nakapagsuri ng trapiko
Correct Answer: A
Kategorya: Mga Palatandaan at Marka (Signs and Markings)
Alin sa mga sumusunod ang nakalarawan?
- Katapusan ng kalsada
- Krus na daan
- Liliko ang kalsada pakaliwa o pakanan
Correct Answer: C
Kategorya: Paglabag at mga Parusa (Violations and Penalties)
Ano ang paglabag mo kapag ikaw ay nagsakay ng pasahero kung saan ito ay ipinagbabawal?
- Kawalan ng magandang asal
- Reckless driving
- Obstruction sa daloy ng trapiko
Correct Answer: C Ang kagandahan sa Pinoy Driver ay mayroon silang seksyong ng paliwanag sa lahat ng mga katanungan at makikita ito kung tama o mali man iyong sagot. Ito ay nakakatulong para mas maintindihan ng maigi ang mga sagot sa mga katanungan.
Bagama’t walang pagbabago nitong nakaraang taon sa pamamalakad ng LTO sa kanilang pagbibigay ng Driving Test, mayroong kaukulang pagpapalit sa patakaran ng pagkuha ng lisensya. Simula 2020, kailangang munang dumaan sa 15-oras na seminar ang sinumang kukuha ng student permit, at ito rin ay may kaukulang exam na ibibigay ng LTO.
Kung ang isang may hawak ng student permit ay maga-apply ng non-professional driver’s license, sya ay kailangang dumaan sa isang mandatory eight-hour practical review o aktwal na pagmamaneho ng sasakyan, at may kaukulang ding written exam na kailangang ipasa.
Ang lahat naman ng magre-renew ng driver’s license ay kailangang dumaan sa isang 8-oras na seminar.
Mula umpisa ng 2020, ang driver’s license ay mayroon nang validity na 10 taon.
Sana ito ay nakatulong para makapasa ka sa LTO driving test at makakuha ka ng iyong lisensya. Good luck o swertehin ka sana!
Updated by Wilbert Tan on July 2, 2020
Also read:
LTO Student Permit Requirements Philippines 2018
Everything you need to know about the LTO Driving Test (and how to pass it)
Featured Articles
- Latest
- Popular
Recommended Articles For You
Featured Cars
- Latest
- Upcoming
- Popular
Car Articles From Zigwheels
- News
- Article Feature
- Advisory Stories
- Road Test